4 huli sa buy-bust

ARESTADO ang apat na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Quezon City kagabi.

Naaresto sina Emerson Langomez, 39, driver, Gian Christopher de Guzman, 35, mekaniko, Julius Anthony Moralde, 43, walang trabaho, at Jimcy Estrada, 29, walang trabaho.

Nakabili umano ng P3,000 halaga ng shabu ang poseur buyer sa mga suspek alas-11:20 ng gabi sa Matimtiman st., Brgy. Sikatuna Village.

Nang maaresto ay nakumpiska umano sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Read more...