ITINAKDA ng Department of Education ang buong buwan ng Hunyo para sa enrollment sa pampublikong paaralan para sa Academic Year 2020-21.
“It is important to validate the enrollment, so that teachers and schools will be able to adequately plan the organization of their learners into classes, taking into consideration their particular circumstances,” saad ng DepEd Order 7.
Ang mga magulang o guardian na magpapa-enroll ng kanilang anak ay pasasagutin ng enrollment at survey form kung saan makukuha ng DepEd ang mga impormasyon na magagamit nito sa pagbalangkas ng polisiya para sa new normal.
Ang enrollment ay pwedeng gawin online at pwede ring sa eskuwelahan sumagot ng forms.
Nauna ng inanunsyo ng DepEd na magbubukas ang klase sa Agosto 24 hanggang sa Abril 30.
“Giving the differing circumstances and capacities by learners and households to cope with the new modalities of learning, a number of learners may be left behind. Thus, efforts to provide remediation and enhancement activities shall also be given more attention.”
Ang Christmas break naman ay magsisimula sa Disyembre 19 at muling magbabalik ang klase sa Enero 4.