Jinkee napa-good job sa 2 anak: Marunong na silang maghugas ng pinggan! 

PAGKATAPOS turuang maglaba, nagtagumpay na naman si Jinkee Pacquiao sa pagtuturo ng isa pang  gawaing bahay sa mga anak nila ni Sen. Manny Pacquiao.

Ipinagmalaki ng misis ni Pacman na marunong na rin ngayong maghugas ng pinggan ang mga anak na babae na sina Mary at Queenie.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Jinkee ng ilang litrato kung saan nasa lababo ang dalawang girls at hinuhugasan ang kanilang pinagkainan.

Caption ng proud mom sa kanyang IG post, “Good job girls! Marunong na silang maghugas ng pingan! [clapping emoji].”

Ayon kina Jinkee at Pacman, naging magandang opportunity ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 para maturuan ang mga anak ng mga gawaing bahay. 

At siyempre, proud na proud ang mag-asawa sa mga bata dahil kahit paano’y natuto ang mga ito na maging independent.

Kamakailan ay nag-viral pa nga ang litrato ng pamilya Pacquiao habang sama-sama silang naglalaba.

“Habang naka-quarantine, tinuruan namin ang mga girls kung paano maglaba!

“Happy ako sa mga anak ko dahil masunurin sila at gusto rin nilang matutunan ang paglalaba. Abangan nyo po sa youtube channel ko ang video,” mensahe ni Jinkee.

Ayon naman kay Manny, malaki ang naitulong ng lockdown para magkaroon sila ng masaya at makabuluhang bonding moments sa bahay.

Read more...