Nahawa ng COVID dahil sa katigasan ng ulo, hindi dapat sagutin ng PhilHealth

Mall

NAIS ng isang solon na alisin sa coverage ng Philippine Health Insurance Corp., ang mga mahahawa ng coronavirus disease dahil sa katigasan ng ulo.

Ipinanukala ito ni PBA Rep. Jericho Nograles matapos na dumagsa ang mga tao sa mall sa unang araw ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine.

Sa dami ng tao, hindi umano kataka-taka kung hindi na masunod ang health protocol.

“Nagulat talaga ako dahil parang wala na yung COVID-19 noong makita ko sa TV ang mga tao sa malls.  Napakaraming pasaway! Kumpol-kumpol at balewala na ang social distancing. This only shows that many of our people are still underestimating the COVID-19 virus. We will pay for this with a second wave of infection,” ani Nograles.

Kung magpapatuloy umano ito ay posibleng magkatotoo ang pinangangambahang second wave ng COVID-19 sa bansa.

Bago umano sagutin ng PhilHealth ang gastos ng isang COVID-19 patient ay dapat magsagawa muna ito ng imbestigasyon at tukuyin kung paano nahawa ang pasyente.

Kung mapatutunayan umano na nahawa ito dahil sa kanyang pagma-mall o paggagala kahit ipinagbabawal ay hindi dapat bayaran ng PhilHealth ang gastos nito.

Ang isang pasyente ng COVID-19 ay umaabot sa daang libo hanggang milyon depende sa lakas ng panlaban ng katawan nito.

Kailangan umano ng full disclosure ng pasyente na makatutulong din upang matukoy ang mga tao na posibleng nahawahan nito.

“From what I saw during the weekend, it seems to me that people have totally forgotten that the virus is still out there without any vaccine and without any real cure. I really fear for the second the wave which could really jeopardize PhilHealth’s viability. PhilHealth should only help those who deserves to be helped,” dagdag pa ni Nograles. “The same non-coverage should apply for those who are irresponsible enough to throw parties and the like which would endanger the public.”

30

Read more...