HINDI umano makatarungan ang paglilimita ng pamahalaan sa mga taong maaaring makapagsimba habang ipinaiiral ang community quarantine sa bansa.
“This is a problem with the government. They make arbitrary decisions without proper consultation with the sectors involved. So they come out with unreasonable directives,” ani Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa kanyang Facebook post.
Ani Pabillo, imbes limitahan ang bilang ng maaaring makapagsimba, sana ay inirekomenda nito ang regulasyon na hanggang dalawang metrong physical distancing sa bawat tao sa loob ng simbahan.
“There are many churches with different sizes. Five persons for such a big church as Baclaran or the Manila Cathedral is laughable! The one-size-fits-all directive is really unreasonable,” aniya
“Where did they get these numbers? Why is it that they do not give the absolute numbers of persons who can enter a store, or work in the office, or in the factory?” dagdag ng obispo.
Naniniwala siya na ginawa ang utos nang walang konsultasyon sa simbahan.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3279257872085395&id=100000036420608