KUNG may dalawang salitang palaging ikinakabit ng mga bashers kay Kathryn Bernardo yan ay walang iba kundi ang “sakang” at “pangit”.
Hindi yan nawawala sa tuwing lalaitin nila sa social media ang girlfriend ni Daniel Padilla. Palaging yan ang ginagamit na hashtag ng mga trolls sa tuwing aasarin at lalaitin nila ang dalaga.
Kaya naman sa latest vlog niya sa YouTube kung saan binasa niya ang mga mean and harsh comments ng mga netizens sa kanya, nasa top list ang “Sakang na, pangit pa!”
Inamin ni Kathryn na talagang nahe-hurt siya noon kapag sinasabihan siya ng sakang kaya naging insecurity niya ang kanyang legs. Dahil dito, inalis niya ang comments section sa kanyang Instagram account.
“Kasi grabe yung negative energy. Ang daming time talaga ng bashers,” aniya.
Ani Kathryn pagkatapos basahin ang nasabing comment, “Oh, boom! Ito yung hinihintay ko. Ha-hahaha!”
Pagpapatuloy niya, “Alam niyo, over the years natutunan ko tanggapin ang legs ko. Yes it’s not straight. It’s kinda ganyan, ‘parang parenthesis’, yun ang sinasabi nila. E, wala e. Parte siya ng pagkatao ko.”
“Before, sobrang insecurity ko ito. Pero alam niyo kung sino nagpa-realize sa akin na huwag magpa-insecure? Si DJ. Through DJ na-overcome ko insecurity ko about my legs,” kinikilig pang chika ng tinaguriang Queen of Hearts ng Philippine showbiz.
Hirit pa niya, “Na-realize ko lahat tayo merong imperfections. Siguro nagkataon ibinigay sa akin ni God yung legs ko.
“And ano gagawin ko? E, di nagwo-workout ako para ma-excercise siya. And tatanggapin ko, kasi hello?! Hindi naman ako makukulong sa pagkasakang ko!”
Sa isang bahagi ng video, itinaas pa ni Kathryn ang kanyang legs at sinabihang itong huwag magalit kung na-insecure siya noon.
“I love my legs! Si DJ love din legs ko! Ngayon tanggap ko siya 100 percent!” masayang chika pa ni Kathryn.
Sey pa niya sa kanyang bashers, “Come on! You kiss my f*cking legs! Hahaha!”
Inilabas ni Kathryn ang nasabing vlog matapos mapasama sa top trends list ng Twitter Philippines ang hashtag na “#sakangsiKathryn” dahil na rin sa sunud-sunod na pangnenega sa kanya ng mga haters.
Samantala, sa kanyang Instagram post naman ngayong araw, muli niyang pinatamaan ang trolls. Nag-post si Kath ng litrato niya kasama ang alagang aso na si Tala. May caption itong, “Tala and I reacting to my bashers! Lol!”