PWEDE nang kumuha ng clearance mula sa National Bureau of Investigation sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine simula bukas.
Ayon sa ahensya, paiiralin ng kanilang tanggapan ang mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Kabilang dito ang lahat ng aplikante ay dapat nakarehistro at nakabayad na online bago pumunta sa NBI clearance centers, dapat sundin ng aplikante ang itinakdang appointment date, pagtalima sa physical/social distancing, dapat wala ring kasama sa pagkuha ng clearance, at dapat nakasuot ng face mask.
Samantala, sinabi ng NBI na suspendido pa rin ang pagproseso ng mga clearance sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ, gaya ng National Capital Region, mga lugar sa Region III– Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pammga siyudad ng Cebu at Mandaue sa Region VII.