HINDI umano malaki ang sinasahod ng mga household service workers (HSWs) sa ibang bansa kaya umapela ang ACTS-OFW sa gobyerno na ito na ang magbayad ng kanilang kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corp.
Ayon kay ACTS-OFW Rep. John Bertiz III wala pang P20,000 ang buwanang kita ng mga HSWs kada buwan.
“In fact, in the Middle East, we still have HSWs who are receiving only $200 (P10,000) because of illegal deductions by dishonest employers or crooked placement agencies,” ani Bertiz.
Marami rin umano sa mga HSWs ay hindi maganda ng buhay pamilya at meron ding mga single parent.
“They are already facing harsh financial difficulties and simply cannot afford to contribute on their own to PhilHealth,” saad ni Bertiz.
Ayon kay Bertiz ang mga HSWs ay maaaring isama sa sektor ng lipunan na ang gobyerno ang nagbabayad ng kontribusyon.
Sa ilalim ng 2020 national budget, P71.3 bilyon ang ibinayad ng gobyerno sa PhilHealth para sa kontribusyon ng mga mahihirap, senior citizens, may kapansanan at financially-incapable point-of-service patients.
“Many of our migrant workers are also wary of paying their PhilHealth premiums due to unchecked widespread fraud, including the non-remittance and the illegal diversion of contributions by unscrupulous recruitment agencies,” dagdag pa ng dating kongresista.
Nauna rito, sinuspendi ni Pangulong Duterte ang pagtataas sa kontribusyon ng mga OFW. Ginawa na rin itong voluntary at hindi mandatory gaya ng naunang polisiya ng PhilHealth.