Mariel tanggap ang pagiging mataba; laiterang netizens sinopla

BIKTIMA na rin ng body shaming ngayon sa social media ang asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez.

Puro panlalait at pang-ookray ang natatanggap ng TV host mula sa netizens dahil sa paglobo ng kanyang katawan. 

Kitang-kita sa mga vlogs at video na ipino-post ngayon ni Mariel ang medyo pagtaas ng kanyang timbang. Pero sa halip na mapikon at magalit, idinaan na lang ni Mariel sa biro ang panglalait sa kanyang katawan.

Ayon kay Mariel, tanggap niya ang kanyang katabaan ngayon dahil hindi pa raw nababawasan ang kanyang post-pregnancy weight. 

Sa teaser ng kanyang cooking vlog nitong nakaraang linggo, pinangunahan na niya ang kanyang bashers na makakapansin sa may kalakihan niyang katawan.

Hirit ni Mariel, “Bago ang lahat, gusto ka lang sabihin, ‘O, magko-comment na naman kayo diyan, ‘Ang taba. Hala, ang laki na niya.’

“O, ako na ang nagsasabi. Okay? Happy? Mataba? Okay na?

“O, alam na nating dalawa, makaka-move on na tayo.”

In fairness, kung may mga nanglalait sa misis ni Binoe marami rin naman ang nagtanggol sa kanya lalo na ang mga nanay niyang followers. Sinabihan din siya ng mga ito na huwag nang magpaapekto sa mga nambu-bully sa social media.

Isa sa mga kumampi kay Mariel ay ang dating co-host niya sa programang Wowowee ni Willie Revillame na si RR Enriquez. Anito, pabor siya sa pagsagot ng mga artista sa mga trolls para maturuan sila ng leksyon.

“Gustung-gusto ko yung ganyan, yung mga hater na lang ang susuko kasi alam nila you’re not affected (laughing emojis),” ani RR.

Hirit pa ng dating TV host-actress, “But anyways dibale ng mataba basta maganda pa din. Yung iba ngang basher hindi MATABA pero ang PANGET PANGET!!! CHERET BYE.”

Isang mahabang tawa lang ang reply ni Mariel sa kanya.

Ilan lang netizens din ang nagsabing, di bale nang mataba  maganda naman na sinagot ni Mariel ng, “Mismo! Hahahaha.”

Read more...