CHITO, NERI hindi makakatikim ng pambababoy mula sa mga pinoy!’


Mabuti naman at tumigil na sa kakukuda si Chito Miranda tungkol sa mga tumutuligsa sa kanilang sex video ni Neri Naig. Ano nga ba naman kasi itong si Chito, kasalahulaan na nga ang kanilang ginawa, ang gusto pa yata niya ay ang dakilain sila ni Neri ng buong mundo?

Binabanatan pa ng bokalistang ito ng Parokya Ni Edgar ang mga Pinoy na hindi sumang-ayon sa pagbi-video nila ni Neri ng kanilang mga ginagawa, nagmamalinis lang daw ang mga taong ‘yun, kundi man naiinggit lang sa kanilang pribadong video.

Sus naman, sino ba ang maiinggit sa mga ganu’ng aksiyon, sana naman ay gamitin ni Chito kahit paminsan-minsan lang ang kanyang kukote dahil kailan pa dinakila ng tao ang kalaswaan?

Tama lang ang kanyang ginagawa ngayon na panghihingi ng ayuda sa NBI para mahuli ang kung sinumang hunghang na nagpalabas ng kanilang sex video, ‘yun ang kailangan nilang tutukan, hindi ang pagbuwelta at pagbanat sa mga Pinoy na hindi nagkagusto sa kanilang ginawa.

Kung totoo ngang nawala ang kanyang hard drive, tuntunin niya kung sino ang naglabas nu’n, isang kaganapang ayaw pa ring paniwalaan hanggang ngayon ng ating mga kababayan dahil kapabayaan naman kasi nilang dalawa ni Neri ang dapat sisihin sa paglabas ng kanilang sex video.

Kung wala silang kinunan, kung nirespeto nina Chito at Neri ang bawat isa, di sana’y hindi sila nakakatikim ng pambababoy ngayon ng publiko? ‘Yun lang ‘yun.

( Photo credit to Google )

Read more...