ANDI EIGENMANN nag-iiyak uli, hiyang-hiya kay JAKE EJERCITO

UMIIYAK daw si Andi Eigenmann dahil nalamatan na naman ang friendship nila ni Jake Ejercito sa pagkadawit ng name niya as the third party sa hiwalayang Billy Crawford and Nikki Gil.

Marami tuloy ang natawa sa dramang ito ni Andi, bakit nga naman siya papaapekto kung wala naman talagang namagitan sa kanila ni Billy? Meron pa siyang pakiusap na bakit hindi na lang daw irespeto ang sinabi ni Billy na wala talagang third party sa break-up nila ni Nikki.

“Bakit siya apektado in the first place? Bakit kailangan niyang umiyak kung wala namang katotohanan ang ibinibintang sa kaniya? Kasi raw, naapektuhan daw ang relasyon niya kay Jake.

Teka lang, siya itong nagsabing wala na sila ni Jake, di ba? Na friends na lang sila. Oh, bakit siya ga-cry-cry kung wala na sila?
“Pinoprotektahan lang daw niya what’s left sa kanila ni Jake?

What’s left ba talaga sa kanilang dalawa? That they’re still very much on pero they don’t want to go public, ganoon? Ang dami talagang echoserang frogs sa mundo niyo sa showbiz, ‘no?” talak ng isang negosyanteng kaibigan namin.

Ewan. Basta kami hindi echosera. Ha-hahaha! Or baka kaya ayaw na lang aminin nina Andi at Jake na nagkabalikan sila para wala na lang gulo. Hindi ba’t nagkalamat na ang relasyon respective families nila nu’ng magkasira sila for a while?

Remember the Albie Casino days and the baby issue? Kasi nga, napaka-private na tao ni Jake, in fact, napakamaginoong bata nito na talaga namang kababaliwan ng mga kababaihan.

Kaya siguro iniingatan na lang ni Andi ang anumang relasyon meron sila kaya siya napaiyak. Natakot siyempre ang batang mawala muli si Jake sa buhay niya – love of her life yata si Jake, ‘no!

Parang tayo rin iyan, we may have many loves pero meron tayong inaalagaang isa – yung pinakamahalaga sa puso natin.
Just try to understand. Hindi naman basta iiyak na lang si Andi kung walang dahilan.

Wait na lang natin ang pag-aming muli ni Andi na sila pa rin ni Jake para tapos ang argumento, OK?

( Photo credit to Google )

Read more...