Liquor ban sa San Juan gusto na ring alisin

liquor ban

SUMULAT si San Juan Mayor Francis Zamora sa city council upang hilingin na alisin ang ipinatutupad na liquor ban sa lungsod.

Hiniling ni Zamora sa konseho na isama ito sa agenda ng Regular session ng Sangguniang Panlungsod sa Lunes.

Noong Marso 31 ipinatupad ang liquor ban sa lungsod bilang bahagi ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.

Nauna ng nag-alis ng liquor ban ang Pasay at Quezon City.

Read more...