OFWs na gumaling sa COVID mas marami kumpara sa bagong nahawa

NADAGDAGAN ng lima ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019.

Ayon sa datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs mas marami ang bilang ng mga gumaling kumpara sa nadagdag sa bilang ng mga nahawa ng COVID-19.

Ito ang ika-apat na araw na mas marami ang gumaling kaysa sa bilang ng mga bagong kaso.

Sa kabuuan 2,360 na ang mga OFW na nahawa ng COVID-19, tumaas ng 30 kumpara kahapon.

Ang bilang naman ng mga nasawi ay 274 na.

Ang mga gumaling ay may kabuuang bilang na 824 na.

Read more...