BUMILIS ang usad ng bagyong Ambo habang papalabas ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Umakyat sa 30 kilometro bawat oras ang bilis nito patungong hilaga.
Ang hangin nito ay may bilis na 65 kilometro bawat oras at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
Alas-4 ng hapon kanina ang bagyo ay nasa layong 110 kilometro sa hilaga-hilagang kanluran ng Laoag City.
Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 1 sa Ilocos Norte, Batanes, Babuyan Islands, hilagang kanlurang bahagi ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros), at hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna).
Sa Lunes inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES