Janine 1 buwan umiwas sa socmed; netizens invited sa b-day ni Kris 

BILANG isang celebrity, aminado ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez na hindi siya sigurado kung paano siya magre-react at noong ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa.

Dahil dito, nag-social media hiatus siya nang isang buwan para manatiling sensitibo sa pinagdaraanan ng bansa at ng mga kapwa Filipino.

“I was so careful with what to post, what to say kasi I didn’t wanna be insensitive. Eventually, I started posting again on Instagram, realizing nga na parang hindi pa ito matatapos. We have to adjust to this new normal,” kuwento niya.

Naniniwala siyang may responsibilidad ang bawat artista o celebrity na maging sensitibo lalo na sa panahong marami ang nahihirapan.

“I think one of the roles is, first of all, to just really be sensitive and to use whatever platform you have to spread information. In a way, lahat tayo pare-pareho ng pinagdadaanan.

“It’s just nice to be able to talk to people now. I know a lot of people may feel isolated, being away from their families so nae-enjoy ko din ‘yung konting chika sa Instagram or sa Twitter. I just try to be there,” sabi pa ni Janine.

* * *

Ipakikita ng Kapuso actress na si Kris Bernal kung paano niya ipagdiriwang ang kanyang ika-31 kaarawan bukas, Sunday.

Ito’y sa pamamagitan ng live workout session at invited ang lahat ng kanyang mga fans! 

Ibinalita ni Kris sa Instagram ang nalalapit na celebration, “#TheHappyBirthdayKrisBWorkout, Since so many of you have been requesting for a LIVE WORKOUT, you ask, I deliver!” 

 

Dahil request daw ng marami na ma-witness kung paano na-achieve ng aktres ang seksing pangangatawan, pagbibigyan daw niya sila na samahan siyang mag-exercise sa kaniyang YouTube channel. Mamimigay din daw si Kris ng mga regalo sa jo-join dito!

 

“First time ever! Join me on my birthday, May 17, Sunday, 4:00 PM, on my YouTube channel for a sweaty Sunday session + GIVEAWAYS! What particular workout/challenge do you want me to share?” mensahe ng Kapuso actress.

 

 

Read more...