Ambo posibleng muling mag-landfall

POSIBLE umano na muling mag-landfall ang bagyong Ambo bago ito tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration kaninang umaga ay nakalabas na ng kalupaan ang bagyo.

Kung muling magla-landfall, ito ang ikawalong landfall ng bagyo sa bansa.

Ala-1 ng hapon kanina ang bagyo ay nasa layong 75 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte. Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras patungong hilaga-hilagang kanluran.

May hangin ito na umaabot sa 65 kilometro bawat oras ng bilis at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 2 sa Ilocos Norte.

TCWS no. 1 naman sa Apayao, Abra, Ilocos Sur, La Union, Batanes, Babuyan Islands, at hilagang kanlurang bahagi ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, at Ballesteros).

Read more...