Duterte nakauwi na ng Davao City matapos na ilagay ito sa GCQ

President Duterte

KINUMPIRMA ni Presidential Security Group (PSG) Chief Col. Jesus Durante III na nakauwi na si Pangulong Duterte sa Davao City matapos namang mapasama ang lungsod sa general community quarantine (GCQ) simula ngayong araw.

“Yes. He is in Davao for a visit after more than two months of not being able to see his family. He will be back for the next IATF (Inter-Agency Task Force) meeting,” sabi ni Durante.

Matatandaang mismong si Duterte ang nagsabi ni hindi siya makauwi sa Davao City dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) kung saan ipinagbawal ng kanyang anak na si Mayor Sara Duterte ang mga flights.

Read more...