Robin ‘sunog’ kay BB: Hindi ako namamalimos ng pagmamahal n’yo, I’m fine!
SUPALPAL uli si Robin Padilla sa mga naging pahayag ng kanyang nakatatandang kapatid na si BB Gandanghari.
Muling naglabas ng saloobin ang ang dating aktor tungkol sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa YouTube, partikular na kay Binoe.
Hindi nagustuhan ni BB ang naging pahayag ni Robin kamakailan bilang tugon sa nauna niyang pahayag na tila wala nang pakialam sa kanya ang pamilyang nasa Pilipinas. Sa loob ng ilang taon ay ni hindi siya nakatanggap ng tawag sa mga ito para kumustahin ang buhay niya sa Amerika.
Naasar at na-bad trip ang proud LGBTQ member sa mensahe sa naging mensahe sa kanya ni Robin na, “BB, tigilan mo na iyang katatampo. Marami lang nangyari sa pamilya natin nang pumasok ang 2020.”
Isa na rito ang pagkakaroon niya ng injury at ang aksidenteng pagkadulas ng nanay nilang si Eva Cariño. Inisa-isa ni BB ang kanyang punto kung bakit kailangan niyang magsalita uli tungkol dito.
Naglilitanya si BB habang nagmamaneho ng sasakyan, “Happy ako, ‘yun nga ang mahirap, e. That’s why I’m talking now because ano ibig mong sabihin sa impression na tigilan ko na pagtatampo at mahal n’yo naman ako.
“Ano ‘yun, consolation prize? I’m not begging for that, I’m fine! I’m actually fine!
“If what I’ve said will not merit anything or kung ayaw n’yo ako tawagan, e, di hindi.
“I’m fine, I’m existing, I’m surviving, I’m working. I’m self-sufficient, God is good to me that’s all that matters. I’m doing, what I’m doing,” tuluy-tuloy na pahayag ni BB.
Aniya pa, “Robin, hindi ako nagtatampo. Pero ang nandito sa puso ko ‘yun ay ‘Ah! Hindi ko sila matatakbuhan.’
“Hindi lang ba tayo nag-usap since, for the information of everyone, since nu’ng lockdown lang?
“Nagri-reach out ako nu’ng lockdown, kasi lockdown na hindi pa tayo nag-uusap. For one, two years, three years. I can’t even remember the last time. Wala ako sa puso ninyo,” pagtatapat pa niya.
Tungkol naman sa pagkakaospital ni Binoe dahil sa back injury ito ang hirit ng kanyang nakatatandang kapatid, “Mabuti ka nga, naramdaman mo na ba magkasakit na wala kang kakainin. Buti ka nga nakapag-stay sa ospital.
“Ang mga nagkakasakit dito sa ibang bansa nag-trabaho pa rin. ‘Yung sakit ng likod mo, I don’t want to diminish it but the way you are diminishing me, baka kulang lang yan sa exercise. Try mo mag-stretching.
“Tapos si Mama nadulas, ‘yun pala, e, wala pa rin tumawag? Hindi ako na-inform?” sey pa ni BB.
“Sinasagot ko lang lahat ‘to Robin, ha. Sinasagot ko lang para maliwanag. Kasi, parang ang lumabas du’n sa live mo is grabe ka, napaka-self centered mo? Sa lahat ng mga nangyari ganito, ikaw pa (ang naging issue ngayon).
“In other words, If I’m not in your hearts, that’s fine. That’s the only obvious thing, wala ako sa puso ninyo.
“So, let us not impress other people na, oh, ’cause that’s the right thing for you to do kasi for imaging purposes. ‘Naku, kailangan mabait tayo kay BB,'” lahad pa ni BB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.