265 Chinese huli sa ilegal na POGO

POGO

NASISIRA umano ang imahe ng mga lehitimong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ng mga ginagawa ng mga ilegal ang operasyon kaya dapat pag-ibayuhin ang kampanya laban sa mga ito.

Ito ang sinabi ni House committee on appropriations at ACT-CIS Rep. Eric Go Yap matapos ang raid na isinagawa sa Non-registered Offshore Gaming Operations (NOGO) sa Las Piñas kung saan 265 Chinese nationals ang naaresto.

“Aside from the fact that they are conducting illegal gaming operations, they are also breaching the security and health protocols observed during the community quarantine. Kung sino pa ang illegal, sila pa ang malakas ang loob na mag-violate nito,” ani Yap. “We are following these reports. Sisiguraduhin natin na mapapanagot sila sa kanilang paglabag sa batas.”

Narekober ng pulis sa raid ang P6.4 milyong Philippine money, 143 piraso ng foreign currency bills, mga laptop at desktop computers, cellphones at iba pang electronic gadgets.

“This should serve as a warning para sa mga nagsasagawa ng underground operations pati sa mga magbabalak pa lang. Hindi kayo makakaligtas,” dagdag pa ni Yap. “Kung akala nila di sila huhulihin, nagkakamali sila. There is no excuse para sa ginagawa nila. Kung illegal, kailangan kaharapin ang batas. Kaisa tayo ng PAGCOR at ang Task Force POGO sa layunin nilang mahuli ang mga katulad nilang NOGOs.”

Sinabi ni Yap na maraming Filipino ang natutulungan ng POGO dahil sa bukod sa pagbibigay ng trabaho ay nagbabayad ang mga legal na operators ng buwis sa gobyerno.

“Sinisira ng mga NOGOs ang imahe ng mga legitimong POGO companies sa bansa na fully compliant. Maraming kababayan natin ang natutulungan ng industriya na ito sa pamamagitan ng mga fees at taxes nila, malaking bagay yun ngayon na kailangan natin ng pondo para makabangon mula sa krisis na kinakaharap natin ngayon.”

Read more...