Bagyong Ambo humina

Ambo

BAHAGYANG humina ang bagyong Ambo habang tinatahak nito ang direksyon papalabas ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang hangin ng bagyo ay may bilis na 65 kilometro bawat oras at pagbugsong 100 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras patungong hilaga-hilagang kanluran.

Sa Lunes ng hapon ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Sa update ng PAGASA alas-11 ng umaga ang bagyo ay nasa layong 40 kilometro sa hilagang kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 2 sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.

Ang TCWS no. 1 naman ay nakataas sa Batanes, Cagayan, kanlurang bahagi ng Isabela (Sta, Maria, Sto. Tomas, Delfino Albano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Quirino, Mallig, Quezon, Roxas, San Manuel, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Ramon), kanlurang bahagi ng Nueva Vizcaya (Villaverde, Solano, Bayombong, Ambaguio, Bambang, Kayapa, Aritao, Santa Fe), Apayao, Kalinga, Benguet, Mountain Province, Ifugao, La Union, at Pangasinan.

Read more...