Babala ni Karla sa bashers ng KathNiel: Bilang momshie, gagawin ko lahat para protektahan sila! 

IPINAGTANGGOL ng TV host-actress na si Karla Estrada ang Kapamilya showbiz couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo laban sa mga bashers.

Matapos kasing magsalita at magpahayag ng kanilang pagsuporta sa ABS-CBN ay inulan din sila ng batikos at panglalait mula sa mga haters ng Kapamilya network.

Tulad nina Coco Martin, Kim Chiu at Angel Locsin, nakatikim din ng mahahalay at masasakit na salita sina DJ at Kath mula sa mga taong galit sa ABS-CBN na sa halip na makisipatya sa pagpapasara rito ay natuwa at nagpiyesta pa.

Mismong sina Kathryn at Daniel na ang nagsabi na handa sila sa pambabatikos ng mga bashers at trolls, ang mahalaga ay ang maiparating nila sa madlang pipol at sa gobyerno ang kanilang saloobin.

Anila, ang tanging nais lamang nila ay ang magpatuloy ang operasyon ng kanilang mother network para na rin sa kapakanan ng 11,000 empleyado na maaaring mawalan ng trabaho sakaling hindi na mabigyan ng bagong prankisa ang istasyon.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Karla ang isang artcard kung saan makikita ang black and white photo nina Daniel at Kathryn. Ani Karla, naniniwala siya na may may karapatan ding magsalita ang dalawa sa sitwasyon ngayon ng ABS-CBN.

  

“Sila ang dalawa sa pinakakamamahal kong tao sa buong mundo. 

“Bilang momshie nila gagawin ko ang lahat para protektahan sila. Siguraduhing maging masaya sila at magkaroon ng magandang kinabukasan. 

“Feeling ko naman deserve nila DJ and Kath yun kasi nagtatrabaho silang mabuti at tumutulong sa pamilya sa abot ng kanilang makakaya. 

“At kung may gusto po silang sabihin tungkol sa nangyayari sa ating lipunan, respetuhin po natin sila. Kahit hindi na bilang mga artista kundi bilang kapwa natin Pilipino. 

“Maraming bagay ang walang katiyakan. Ang sa akin lang mga momshies ngayon higit kailanman, magkaisa tayo. Labanan natin ang krisis ng iisa. 

“Kapit kapit po tayo para sabay sabay nating malampasan ang krisis at kahit papaano, masiguro na maganda ang kinabukasan ng ating mga anak,” ang caption ng nanay ni Daniel sa kanyang IG post.

Read more...