‘Kaso’ nina Mel & Jay nabuhay dahil sa ABS-CBN shutdown

MEL TIANGCO

HABANG nakaantabay ang sambayanan kung kailan muling magbubukas ang ABS-CBN ay ilang bahagi ng nakaraan ang nanariwa sa ating alaala.

Isa na rito ang isyung nabuhay muli involving Mel Tiangco at Jay Sonza na sinuspindi ng nasabing network noong 1995 only to drag their case to court. 

Nanalo sila sa lower court, kinatigan ng Court of Appeals hanggang sa maging ganap na matagumpay all the way to the Supreme Court.

Napag-uusapan kasi ang pagpapasara sa istasyon, kaya hindi maiwasang magbalik-tanaw sa kasaysayan ng mga noo’y kawani nito na masaya na sa kani-kanilang mundo ngayon.

Hindi connected si Jay sa anumang TV network, hindi rin kami sure kung may trabaho siya ngayon as news anchor or radio commentator. Pero ang sigurado, buhay na buhay ang presence niya sa social media lalo na kapag nakikisawsaw siya sa mga hot and timely issue mapa-showbiz man o politics.

Wala siyang pakialam kung ma-bash o putaktihin siya ng mga trolls and haters sa socmed, basta maglalabas siya ng kanyang saloobin kahit wala namang nanghihingi nito.

Kung si Jay Sonza ay tila hindi pa naka-move on mula sa kanyang bangungot, malayo ito sa stance ni Mel who has already forgiven those who had wronged her kahit hindi pa humihingi ng sorry ang mga ito.

Katwiran niya, sapat na ang mga biyayang natatanggap niya mula sa nilipatang GMA para magtanim pa siya ng sama ng loob.

Matatandaang nag-ugat ang suspension kina Mel at Jay makaraang lumabas sila sa isang detergent commercial nang walang pahintulot ng news and current affairs ng istasyon.

In stark contrast, hindi naman ito ang nararamdaman ng radio anchor na si Jobert Sucaldito.

Matatandaang ang komento ni Jobert patungkol kay Nadine Lustre ang nagsilbing mitsa ng kanyang suspension (without pay) hanggang sa tinanggal na siya nang tuluyan January ng taong kasalukuyan.

Isang kalmado pero galit na Jobert pa rin is making the social media rounds patungkol sa shutdown ng network na para sa kanya’y ‘di wastong gawing human shield ang mga empleyado nitong nawalan ng trabaho.

Umiikot din sa social media ang isa sa mahigit na cameramen na sinibak noong 2010, at ngayo’y nakisali na rin sa bandwagon.

Pare-pareho man ang kapalarang sinapit, magkakaiba ang kanilang mga kuwento. 

Pare-pareho rin silang may katwiran, bagama’t wala ito ni katiting na bearing para bigyang-katwiran ang shutdown sa network.

   

JAY SONZA

                                                                    

                                                                                    

Read more...