Hashtag Nikko hinamon ng saksakan; ‘Ayoko makipagkita sa ‘yo, ang panget mo’

ISANG basher ang galit na galit ngayon kay Hashtag Nikko Natividad at hinamon pa siya ng saksakan.

“Ako hindi troll. Ah para malaman mo kung matapang ka saksakan tayo venue natin sa Tondo. Antay ko riply mo artista walang kwenta baka gusto sapakan peo gusto oo ng patayan eh tapos naka live tayo.” sey ng basher.

“Ayoko makipagkita sayo. Ang panget mo. Baka mamaya utangan mo pa ko.” ang naging sagot ni Nikko.

Pinagtawanan lang ito ni Nikko pero ilang concerned citizen ang nagsabi dapat ay ipa-blotter niya ito.

https://twitter.com/itsmewhoregy/status/1261220730726801408?s=19

Isa si Nikko sa mga artista na naging vocal sa social media matapos ipasara ang ABS-CBN.

Naghamon pa ito sa mga basher na subukan siya ngayong hindi na raw siya artista.

 

 

Read more...