Lalaki arestado sa 24 na bote ng alak

liquor ban

ARESTADO ang 48-anyos na lalaki na nahulihan umano ng 24 bote ng alak sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang suspek na si Giovanni Diego, 48, ng Wood Pecker St. Brgy. Batasan Hills.

Dumaan umano ang suspek sa quarantine control point sa IBP Rd., sa Brgy. Batasan Hills, alas-5:20 ng hapon.

Nakuha umano sa suspek ang isang kahon na may lamang 24 na bote ng alak at isang kahon ng kape.

Ang suspek ay nahaharap sa paglabag sa liquor ban.

Read more...