Arjo kay Maine: Napakahirap palang malayo sa girlfriend mo dahil sa ECQ

MISS na miss na ni Arjo Atayde ang kanyang girlfriend na si Maine Mendoza.

More than two months na rin silang hindi nagkikita at nagkakausap nang personal mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Nasa kani-kanilang bahay lang sina Arjo at Maine with their respective families at natural lang na ma-miss nila ang isa’t isa nang bonggang-bongga.

Sa ginanap na online media conference ng bago niyang virtual movie mula sa iWant, inamin ng binata na ang hirap-hirap daw palang malayo sa girlfriend.

“It’s hard to be away from your loved ones, you know – family, girlfriend,” pahayag ng Kapamilya award-winning actor.

Pero siniguro ng binata na dahil sa ECQ at kahit matagal na silang hindi nagkikita up close and personal, feeling niya mas tumatag pa ang kanilang relasyon ni Maine.

“This quarantine is making us stronger and yeah, that’s it, I miss her (Maine), I miss everyone, I miss work, I miss acting, I miss everything.

“But yeah, she’s on top of my list as well, and my concern towards what’s happening to everything,” chika pa ni Arjo.

Buti na lang bago magkaroon ng ECQ ay nagkaroon pa chance na makapag-bonding ang magdyowa. Kung matatandaan, magkasama silang nagbakasyon last March 3 sa El Nido, Palawan kung saan nila ipinagdiwang ang birthday ni Maine.

Read more...