Megan, Mikael sumabak sa matinding challenge dahil sa alagang si Soba

IBINAHAGI ng Kapuso actor na si Mikael Daez ang pinagdaanan nilang ng asawang si Megan Young matapos tamaan nang malubhang sakit ang alagang aso na si Soba.

Madalas na kasa-kasama ng mag-asawa ang kanilang toy poodle na si Soba sa mga YouTube vlogs, podcasts, at Instagram photos. 

Sa latest post ni Mikael, matindi raw ang takot at pag-aalala nila ni Megan matapos magkasakit si Soba. 

Dahil first dog ng mag-asawa, wala raw silang prior experiences pagdating sa mga dapat gawin kapag nagkakasakit ang aso. 

Isang gabi raw ay nagsuka ito nang 10 beses to the point na mangayayat at hindi na ito makatayo mag-isa. 

Sa abiso na rin ng asawang si Megan, isinugod nila si Soba sa ospital. Matapos daw ang dalawang linggo at patong-patong na kaba, naiuwi na rin nila ang kanilang pet dog. 

“She’s happy and fluffy again and we’re just glad the worst is over. To all the pet owners out there, we finally understand the attachment you have to your pets– medyo intense,” ani ni Mikael. 

Nagpaabot naman ng suporta at pasasalamat sa recovery ni Soba ang “Love of My Life” co-stars nitong sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na kapwa pet lovers din. 

Samantala, habang tigil muna sa taping ang “Love of My Life”, napapanood naman ang rerun ng “My Husband’s Lover” sa timeslot nito sa GMA Telebabad.  

Read more...