KALABOSO ang apat na lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, na nahulihan umano ng ipinagbabawal na gamot sa Quezon City kagabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Jaime Teham, 33, walang trabaho, Reggie Santos, 24, walang trabaho, at dalawang 16-anyos na lalaki.
Nagpapatrolya ang otoridad alas-9 ng gabi sa Apo st., malapit sa kanto ng Quezon Ave, Brgy. Sta. Teresita, nang mapansin umano nila ang mga suspek na nagpasukan sa nakaparadang jeepney.
Nang sumilip ang isang tanod ay nakita umano niya ang mga suspek na gumagamit ng shabu.
Narekober umano ang mga suspek ang 0.07 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.
MOST READ
LATEST STORIES