Korina: Sa batas ng tao at ng Diyos, panalo sina Coco at Kim. Yun lang!

MATAPANG na ipinagtanggol ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez laban sa mga bashers sina Coco Martin at Kim Chiu.

Wala nang paki ang host ng Rated K kung banatan din siya ng mga netizens sa pagkampi sa dalawang Kapamilya stars na pinag-iinitan ngayon ng mga trolls sa social media dahil sa pagtatanggol sa ABS-CBN.

Sina Coco at Kim kasi talaga ang napuruhan sa lahat ng artista ng network na kumalaban sa National Telecommunications Commission (NTC) na siyang nagpalabas ng cease and desist order para ipatigil ang operasyon ng Dos.

At feeling siguro ni Korina masyado nang malilisyoso at personal ang banat ng mga haters kina Coco at Kim kaya naman nagsalita na rin siya para dumepensa. Aniya, maaring hindi perfect ang dalawa sa paraan ng kanilang pagsasalita o pag-express ng kanilang saloobin, pero naniniwala siya na mabuting tao ang mga ito.

Sa kanyang Instagram page nag-post si Korina ng mensahe para kina Kim at Coco. Aniya, “Coco Martin and Kim Chiu are under attack from bashers.

“Majority of the bashers are paid trolls which supporters of this administration have heavily invested in.

“There’s a way to handle them. Engage or ignore.

“To engage is to simply speak back for everyone else to see what trash they are.

“Otherwise, deadma. Coco and Kim may not be perfect in language or expression but, clearly, their hearts are in the RIGHT place.

“Right meaning, opposite of wrong.” 

Dugtong pa ng veteran TV host,  “And you know whats wrong? The ABSCBN sudden — unceremonious, possibly illegal, immoral, sinister, unethical, despicable, abhorrent, inconceivable, wicked — closure.

“So, sa harap ng Batas ng tao o Batas ng Panginoon, panalo si Coco at si Kim. Yun lang.”

Read more...