HINDI namin tiyak kung kanino humihingi ng paumanhin si Coco Martin dahil sa kanyang mga binitiwang salita makaraang ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN.
Hindi maitatanggi na inilabas nang lahat ni Coco ang kanyang nag-uumapaw na galit, even citing the NTC and the name of Solicitor General Jose Calida bilang responsable sa shutdown.
Isang palabang Coco ang humarap sa publiko na wala nang kinatatakutan ngayon whatever it takes.
Wari’y isinasabuhay niya ang kanyang karakter bilang Cardo Dalisay sa pinagbibidahang teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano.
Kaso’y biglang kambyo si Coco. Ang dating nagpupuyos sa galit ay nagso-sorry. Dala lang daw ‘yon ng sobrang emosyon.
Natural na sa bawat isa sa atin ang magkaroon ng emotional outburst lalo na kung matagal kang nagtimpi at nagkimkim ng galit.
Kadalasan, hindi tayo nabibigyan ng pagkakataon na i-process ang ating kaisipan, mabigyang-daan lang natin kung ano ang ating saloobin.
Pero bakit kailangang mag-sorry si Coco kung may dahilan naman para makapagsalita siya ng ganu’n? And to whom is he apologetic?
Para sa amin, walang dapat ihingi ng tawad si Coco o kung sinumang Kapamilya artist kung anuman ang nasabi nila laban sa mga taong nasa likod ng pagpapasara sa kanilang mother network at sa mga tumutuligsa rito.
Meron silang pinanggagalingan, kung paanong hindi naman mangangagat ang isang aso kung hindi siya sinaktan o na-provoke.
Si Coco pa ba naman ang dapat humingi ng tawad more than the ones responsible for the network shutdown?!