Duterte kinampihan ng veteran OPM icon sa isyu ng ABS-CBN shutdown

AROUND mid-80s noong pumailanlang sa local music scene si Anthony Castelo.

Isa sa mga hinahangaang balladeer sa bansa, taglay ni Anthony ang pagkakaroon ng malamyos at malamig na tinig. 

Kabilang sa kanyang mga certified hits (na madalas kantahing piyesa sa mga sing-along bar) ay “Hahanapin Ko”, “Balatkayo”, among others.

Nitong naipasara ng NTC ang ABS-CBN ay muling nanariwa si Anthony sa ating kamalayan, via a statement he sent to a broadsheet (for sure, sa ilan pang lathalain of national circulation) kung saan mariin niyang tinutuligsa na may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinapit ng naturang istasyon.

Partikular na inalmahan ng singer ang Washington Post sa artikulong isinulat ni Regine Cabato (Manila reporter for Southeast Asia) noong May 5. Damay rin pati ang ibang media entities sa paninisi kay Digong sa ipinatupad na shutdown.

He cited a number of reasons kung bakit dapat tantanan na ng kanyang mga detractors ang Pangulo.

Out of the limelight, si Anthony ang founder ng Dakilang Lahi, isang non-profit organization na nagsusulong ng mga Filipino values.

Sa larangan ng musika, isa si Anthony sa mga nagtataguyod ng OPM (Original Pilipino Music). Nakagugulat lang na ang matagal nang “nahihimbing” na mang-aawit ay biglang naalimpungatan sa isyu ng ABS-CBN shutdown, gayong mas marami sa kanyang hanay express otherwise.

Hindi lang kami sigurado kung die hard supporter ni Pangulong Duterte ang OPM singer pero sa tono ng patatanggol niya sa gobyerno tungkol sa pagpapasara sa ABS-CBN, mukhang malalim din ang kanyang pinanggagalingan.

                                                                                                                    

Read more...