10 rebeldeng NPA patay sa engkwentro sa panulukan ng Caraga at Northern Mindanao

PATAY ang 10 miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng gobyerno sa hangganan ng Northern Mindanao at Caraga region sa nakalipas na tatlong araw, ayon sa opisyal ng militar ngayong Huwebes.

Sinabi ni Lt. Col. Ezra Balagtey, chief of the Eastern Mindanao Command (Eastmincom) public information office, na kabilang sa mga namatay ay apat na matataas na lider ng NPA guerilla front 4A.

“They were identified by a former rebel during a public display and identification in Gingoog City on May 13,” sabi ni Balagtey.

Kinilala niya ang mga napatay na lider ng NPA na sina Ian Dela Rama alyas Gian, front secretary; Rio Amor Yuson alyas Lema, finance officer; Paquito Namatidong, alyas Sangka, platoon eader; at Peter Mansaginda Pinakilid alyas Aloy, political officer.

Idinagdag ni Balagtey na nagsimula ang sagupaan matapos rumesponde ang Eastmincom Joint Task Force Diamond sa ulat na may mga naispatang rebelde sa liblib na barangay ng Kamanikan sa Gingoog city.

Nagtapos ang sagupaan noong Mayo 13 kung saan nakarekober ang mga sundalo ng limang  M16, isang AK47, isang M14, isang carbine rifle, mga pampasabog, at mga dokumento.

Read more...