Sigaw ni Sunshine Cruz: Inabuso ako ni Cesar Montano

HINDI na napigilan ni Sunshine Cruz ang pagsasampa ng kaso laban sa kanyang mister na si Cesar Montano

Kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004 ang inihain ni Cruz sa prosecutor’s office ng Quezon City Martes. Inakusahan ng aktres ang mister ng physical at emotional battery simula nitong Enero.

Ayon pa sa aktres, pwersahan din na kinuha di umano ni Montano ang kanilang tatlong mga batang anak na babae, at hindi nito pinakikita sa kanya ang kanilang mga anak.

Ayon naman sa talent manager ng aktor, na si Shirley Pizarro, hindi pa umano natatanggap ni Montano ang kopya ng complaint ng asawa, dahil dito ay hindi sila makapaglabas ng statement.

Sa siyam na pahinang complaint, sinabi ni Cruz na: “Respondent (Montano) is very domineering, philandering husband that he demanded full submission and obedience from the complainant (Cruz) while he continually prohibits the latter from inquiring on his own affairs. Worse, respondent does not go home and he spends weekends elsewhere. In fact, he presently resides at an address different from that of the complainant and her three minor daughters.”

Partikular na tinukoy ni Cruz ang insidente na talagang naging bayolente ang asawa at pinagsabihan siya ng mga masasakit na salita nang mag-usisa siya tungkol sa mga ginagawa nito.  Dahil dito, nagsimula nang gumuho ang 13-taon nilang pinagsamahan bilang legal na mag-asawa. Nagpakasal ang dalawa noong Pebrero 2000.

“Respondent (Montano) continued and still continues to harass complainant by threatening her with physical harm, obscene accusations and grave defamation,” dagdag pa ni Cruz.

 

Read more...