Mañanita cops binasag ni Igan gamit ang ‘classroom’ ni Kim Chiu

BINANATAN ng Kapuso news anchor-TV host na si Arnold Clavio ang naganap na “manañita” para kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas.

Kakaiba ang ginawang pagpuna ni Igan sa kontrobersyal na surprise birthday salubong para kay Sinas na umano’y pakana ng kanyang mga tauhan sa NCRPO. 

Kapansin-pansin kasi na ginamit ni Igan ang kontrobersyal na “classroom rules” analogy ni Kim Chiu sa pagtatanggol naman nito sa ABS-CBN matapos ipatigil ng National Telecommunications Commission ang operasyon ng network. 

Na-bash nang todo si Kim dahil dito at inamin din niya na kahit siya ay naguluhan sa mga sinabi niya.

Base sa report, ginanap ito sa mismong NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Kitang-kita sa mga kumalat na litrato na kahit may mga face mask, halos dikit-dikit na habang kumukuha ng pagkain ang mga naroon. 

Dahil dito, inireklamo ang grupo ni Sinas ng paglabag umano sa quarantine protocol na kanila mismong ipinatutupad ngayong may COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Arnold ng artcard na may mensaheng, “SA ILALIM NG ECQ MAY BATAS, BAWAL MAG-BIRTHDAY PARTY, OH BAWAL ANG BIRTHDAY PARTY.

“PERO ‘PAG SINABI, ‘PAG NAG-COMPLY KA NA BAWAL ANG PUBLIC GATHERINGS AT SOCIAL DISTANCING PERO MAY GINAWA KA SA PINAGBABAWAL NILA,

“INAYOS MO ‘YONG RULES NG ECQ NIYO AT SINABMIT MO ULIT SA HEPE MO AY PWEDE NA PALA ANG MAÑANITA.” Nilagyan pa ito ni Igan ng caption na, “Ang sabi ni Kim Tsu…” na ang tinutukoy nga ay ang “classroom” statement ni Kim.

Read more...