INARESTO ng National Bureau of Investigation ang lalaking taga-Cebu dahil sa pagpo-post sa social media ng banta kay Pangulong Duterte.
Dinakip ng mga tauhan ngang inaresto ng mga tauhan ng NBI Central Visayas (NBI-7) si Dether Pajartine Japal, security guard mula Lapu-Lapu City, ngayong umaga.
Ayon sa NBI, nag-post si Japal sa kanyang Facebook account na magbibigay siya ng P20,000 sa sinumang makapapatay kay Duterte.
Isa si Japal sa mga netizens na naaresto dahil sa pagbabanta sa buhay ng Pangulo.
Noong Mayo 5 ay ipinost ng guro na si Ronel Mas ng Zambales ang isang tweet na nagsasabing “I will give [a] P50 million-reward to whoever will kill Duterte #NoToABSCBNShutDown.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.