KAILANGAN umano na bigyan ng ibayong proteksyon ang mga health workers na nagtatrabaho sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, 390 sa mga nahawa ng coronavirus disease 2019 sa lungsod ay mga health workers na nagtatrabaho sa mga ospital sa loob at labas ng Quezon City.
Ito ay 24.7 porsyento ng kabuuang kaso ng COVID-19 cases sa lungsod.
“We implore hospital owners and administrators to provide safer working conditions, more personal protective equipment (PPE), and free virus testing to their staff and medical professionals,” ani Belmonte. “They are already overwhelmed and exhausted. We must do our best to protect them as much as they care for our people.”
Karamihan sa mga helath workers na nahawa ay doktor, nurse, radio technologists, attendants, at driver ng mga ospital.
Inirekomenda rin ang pagkakaroon ng pansamantalang matutulungan ng mga health workers upang hindi na umuwi ang mga ito at maiwasan na mahawahan ang kanilang pamilya.
Sa pag-aaral, ang mga barangay kung saan naroon ang mga ospital at kung saan nakatira ang mga health workers ang may pinakamataas na viral attack rate sa siyudad.