PAK na pak at bentang-benta ang bagong paandar ni Pasig City Mayor Vico Sotto para sa kanyang mga tagasuporta.
Kumasa ang mga netizens sa “pa-fill in the blanks” challenge ng batang alkalde sa kanyang Instagram account.
Ito’y ginawa ni Vico pagkatapos ng kanyang regular Facebook Live session kung saan ibinahagi niya ang mga magaganap sa Pasig kapag nagsimula na ang modified enhanced community quarantine simula sa May 16.
Ipinost ng binata sa IG ang kanyang litrayo na kuha habang nakasalang siya sa FB Live. Dito, sinabi niya na ngayon lang niya napansin ang napakagandang view sa kanyang likuran.
“Earlier this evening, I went on FB Live to discuss some of the updates with regard to #modifiedECQ (You can watch it for updates or monitor Pasig PIO’s account).
“I sit here almost every day, but if not for the FB Live I wouldn’t have noticed the beautiful backdrop behind me…
“A view that I just realized you can’t even really see in this picture. This is not a good picture. Haha!
“But in the midst of these times where it feels like each day is just a non-stop barrage of problems, maybe it is a good reminder that *insert cheesy quote here*” ang caption ni Vico sa photo.
Sunud-sunod ang comments ng netizens sa kanyang post at sumagot talaga ang mga ito sa kanyang pa-fill in the blanks. Kanya-kanya silang reply ng mga quotes na sasakto at babagay sa post ng batang mayor.
Sey ng isang follower ni Vico, dapat daw alagaan niya ang kanyang health, “You need to sleep sometimes.”
Reply naman ni Vico sa kanya, “Bakit sometimes lang? Tuwing gabi naman ako natutulog. Hahaha!”
Comment pa ng isang netizen, “Maybe it’s a good reminder to keep off the grass. Charot lang beh!”
Hirit naman ni Vico, “Ika nga nila, ‘The grass is always greener on the greener side.’”
Sey ng isa pang netizen, “Maybe it is a good reminder that…kakasabi lang…kasama nga lahat!”
“It is a good reminder that…Sunsets are proof that endings can be beautiful too,” sabi ng isa pang follower ni Vico.
Ayon pa sa ilang netizens, talagang manang-mana raw si Vico sa kanyang amang si Bossing Vic Sotto sa pagiging komedyante dahil sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa, nagagawa pa rin nitong maghatid ng good vibes sa mga Pinoy.