Coco, Angel, Boyet, Sunshine todo-tanggol kay Kim: Proud kami sa ‘yo, kapit lang

MARAMING nagtanggol at nagpahatid ng suporta kay Kim Chiu sa gitna ng natatanggap nitong pamba-bash at pang-ookray mula sa netizens.

Hindi na tinantanan ng trolls at haters si Kim mula nang ipagtanggol niya ang ABS-CBN at ipagsigawan ang kanyang saloobin tungkol sa pagpapasara sa network. 

Mas lalo pa siyang na-bully sa social media nang dahil sa paggamit sa “classroom rules” para ikumpara sa pagpapatigil sa operasyon ng Kapamilya Network. Hindi naman basta nanahimik si Kim at talagang sinasagot din niya ang mga nambabastos at nanglalait sa kanya.

Pero siguradong super touched ang  dalaga sa mga kaibigan niya sa showbiz na nagtanggol sa kanya mula sa mga bully. Una na nga riyan si Coco Martin na binabatikos din ngayon ng netizens dahil sa pagkampi niya sa Dos.

“Kim sobrang proud kami lahat sa ’yo sa tapang na pinakita mo! Hayaan muna sila, sila na matalino, sila na nakapag-aral. Mahirap maging matalino baka matuto pa tayo gumawa ng kawalangyaan gaya nila!” mensahe ni Coco kay Kim.

Ito naman ang sabi ni Sunshine Cruz na gumaganap na nanay ni Kim sa seryeng “Love Thy Woman”, “When I made a comeback last 2013, isa sa wish ko na sana makatrabaho ko si Kim and wish granted because I’ve been blessed to have the opportunity to work with her for Love Thy Woman as her mom.

 “Noon pa man, I’ve been hearing good things about her and totoo ngang napakabait, laging nakangiti, professional, at mahusay hindi lang bilang artista kundi bilang tao. Madaling makagaangan ng kalooban ang isang Kimmy because she is genuine and humble.

“Sabi ko nga, no wonder blessed siya dahil mabuting tao pala talaga. Kimmy, andito ako your mama Kai/mama Shine. Know that maraming nagmamahal sa ‘yo and I am one of them. This too shall pass. Kapit lang anak! I can’t wait to hug you and see you and our LTW family.

Sabi naman ni Christopher de Leon na gumaganap naman bilang tatay niya sa nasabing serye, “Kim is like a ray of sunshine sa tuwing dumarating sa set.  Always smiling.  Ngiting abot-tenga- kitang –kita sa mga mata. Napakagaan kasama. She’s somebody who’s always eager to learn.  She never CLAIMED to be outstanding on anything. 

“Ang laging niyang pinaghuhugutan ay ang personal experiences niya… lagi siyang nagsi-share ng part of herself to each one of us. Very warm, very personal and for that I love KIM.” 

Sey naman ni Kim Atienza, “Your Kuya Kim is always here for you always. All the love at this time.” 

Ipinagdarasal naman ni Angel Locsin sina Kim at Coco Martin, “I pray for protection for the both of you. I know your intentions are pure and thank you for standing up for what you believe in.”

Read more...