UMABOT na sa 16,945 overseas Filipino workers ang nakuhanan ng swab sample para sa RT-PCR testing ng COVID-19.
Ang swab samples ay kinuha ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs mula Mayo 2-12.
Ang mga umuuwing OFW ay kinukuhanan ng swab sample bago dalhin sa mga quarantine facilities.
May mga pagkakataon din na may mga team na umaakyat sa mga cruise ships na nakadaong sa Manila bay Anchorage area para kuhanan ng swab samples ang mga OFW na naroon.
“While waiting for the test results and the issuance of their quarantine clearances, OFWs are requested to remain in isolation and comply with the health protocols for their safety amid COVID-19 pandemic,” saad ng Department of Transportation sa isang pahayag.
“Rest assured that once necessary clearances are issued, the DOTr will coordinate their transport so they may finally go home safely to their respective residencies and reunite with their families.”