VIRAL: Video ipinakita paano kumalat ang virus sa buffet

AFTER mong mapanood to baka hindi ka na kumain sa buffet, ever.

Sa isang experiment na ginawa ng NHK, isang public broadcasting organization sa Japan, ipinakita nito, sa tulong ng mga infectious disease experts, kung paano kumakalat ang COVID-19 at iba pang virus sa pagkain sa mga buffet.

Sampung tao ang inimbitahan nila para magparticipate at kumain sa “buffet”. Isang tao naman ang nilagyan nila ng fluorescent paint sa kaniyang palad na makikita lamang sa blacklight. Ang pintura ay virus na siyang kumapit daw sa kamay matapos umubo rito ang may-ari at hindi naghugas.

Sa experiment, pinaikot, pinakuha ng pagkain at inumin na para bang nasa totoong buffet ang mga tao.

Matapos silang paupuin ay sinindi ang blacklight at makikita ang nakakakilabot na pagkalat ng fluorescent paint sa bawat taong kasama sa experiment at sa mga gamit na nasa paligid tulad ng tongs at lalagyan ng tubig.

https://twitter.com/Johnny_suputama/status/1258786799851376641?s=19

Kakain ka pa ba ng hindi naghuhugas?

 

 

Read more...