DUMIPENSA at humingi ng paumanhin si National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Debold Sinas dahil sa ginawa nitong “mañanita” o salu-salo para sa kanyang kaarawan noong nakaraang linggo.
Nagpalabas si Sinas ng pahayag matapos atasan ni National Police chief Gen. Archie Gamboa ang Internal Affairs Service na imbestigahan ang pagtitipon na ipinaskil pa ng NCRPO sa social media.
Una nang umani ng batikos ang party noong Mayo 8 dahil nalabag umano dito ang ipinatutupad na protocols kontra COVID-19 gaya ng pagbabawal sa mass gatherings, physical distancing, at pagsusuot ng face mask.
Ayon kay Sinas, naipit lang siya sa salu-salo, na ideya ng kanyang mga tauhan.
“Overjoyed as a birthday celebrant, I was caught up with a traditional Mañanita spontaneously conducted by some of my officers and men in their own volition.”
“My accommodation to them was done with all cautiousness because I am fully aware of the Anti-Covid measures being implemented by the government. They were told to observe social distancing and other precautionary health measures. They were also told not to linger and prepare for the simultaneous relief distribution NCR-wide that day,” aniya pa.
Ikinatwiran pa ni Sinas na ilan sa mga larawang kumalat sa social media ay di totoong nangyari sa pagsasalu-salo nang araw na iyon, kundi sa iba pang naunang pagtitipon.
“Some of the pictures circulating in the social media were edited and grabbed from old posts. The pictures may depict itself, however, it does not define the totality of what really had happened.”
Sa kabila nito, humingi si Sinas ng paumanhin para sa nangyari noong kanyang kaarawan.
“I apologize for what transpired during my birthday that caused anxiety to the public. It was never my intention to disobey any existing protocols relative to the implementation of enhanced community quarantine.” Una nang umani ng batikos si Sinas dahil nalabag din umano ang physical distancing sa pamamahagi ng relief goods kaugnay ng kanyang kaarawan, sa Tondo, Manila.