Pulis na Covid-19 positive bumiyahe sa Baguio

INIIMBESTIGAHAN na ang pulis na nagpunta sa Baguio City kahit positibo sa Covid-19 at kahit pa umiiral ang mga border restrictions na ipinatutupad ng Philippine National Police.

Si Maj. Rafael Roxas, ang deputy chief ng PNP Crime Laboratory’s Fingerprint Division, ang ika-31 kaso ng nasabing sakit sa siyudad.

Nagpositibo siya sa virus noong Mayo 11, at nag-self quarantine ng isang linggo bago bumisita sa Baguio City para bisitahin ang kapamilya.

Pumayag si Roxas na ilabas ang kanyang pangalan upang mapabilis ang contact tracing process, pero “his travel from Manila to Baguio is now under a pre-charge investigation, and if he committed lapses, then the proper disciplinary actions will be taken against him,” ani Col. Allen Rae Co, Baguio police director.

“The PNP does not tolerate any disregard for rules and procedures from its personnel. He will face the consequences of his actions, but the focus right now is on his healing and bringing him back to good health,” ani Co.

Dagdag niya na hindi pinapayagang lumabas ng Metro Manila, kung saan marami ang kaso ng Covid-19, ang mga pulis upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Read more...