1 pang lalaki nagpatong ng P100M sa ulo ng Pangulo, dakip

President Duterte

ARESTADO ang isang lalaki sa Boracay Island, Aklan, nang mag-alok ng P100 milyon kapalit ng pagpatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nadakip si Ronald Quiboyen, isang construction worker, sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, bayan ng Malay, alas-7 kagabi, ayon sa ulat ng Aklan provincial police.

Ilang oras bago ito, nakatanggap ang Malay PNP ng impormasyon tungkol sa isang post ng Facebook account ni Quiboyen.

“‘Yong 50milyon nyo doblihin ko gawin kung 100milyon kung sino makapatay kay Duterte andito ako ngayon sa Boracay,” sabi sa post.

Binura na ang post, pero bago pa ito’y nai-share aat re-post na ito ng marami, na tila mga taga-Boracay, ayon sa pulisya.

Dahil sa impormasyon ay nakipag-ugnayan ang Malay PNP sa Regional Anti-Cybercrime Unit at Criminal Investigation and Detection Group-Western Visayas para magsagawa ng operasyon.

Na-locate ng mga tauhan ng lokal na pulisya si Quiboyen at itinurn-over ito sa CIDG.

Sasampahan si Quiboyen ng kasong inciting to sedition at paglabag sa Anti-Cybercrime Law.

Matatandaan na bago ito, inaresto ng National Bureau of Investigation si ang gurong si Ronnel Mas sa Zambales, para naman sa pag-aalok ng P50 milyon sa sinumang papatay sa Pangulo.

Read more...