SINABI ni Interior Secretary Eduardo Año na dapat pinairal ni National Capital Regional Police Office chief Major General Debold Sinas ang delicadeza matapos namang ang pagdaraos ng birthday party sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
“Sa panahon ngayon, it’s uncalled for, sabi ko nga may tinatawag tayong delicadeza, so sa mga ganyan, stop muna ang ganyang activities,” sabi ni Año sa isang virtual briefing.
Nauna nang nagtrending sa social media ang pagdiriwang ng kaarawan ni Sinas sa kabila ng umiiral na social distancing at pagbabawal sa mass gathering.
“Now, I leave it to the PNP to conduct an investigation kung meron talagang naganap na violation ng mga quarantine guidelines,” dagdag ni Año.
MOST READ
LATEST STORIES