NCRPO Chief nagpa-party, lagot! PNP Chief Gamboa nag-utos ng imbestigasyon

PINAIIMBESTIGAHAN na ni National Police Chief General Archie Gamboa ang ginawang birthday party ni National Capital Regional Police Office chief Major General Debold Sinas dahil sa diumano’y paglabag sa social distancing protocol na pinaiiral ng gobyerno.

Nauna nang kumalat sa social media ang mga larawan ni Sinas at ilan pang mga pulis na nagbigay ng birthday party sa gitna nang pinaiiral na restriction laban sa mass gathering.

Ikinadismaya naman ni Interior Secretary Eduardo Ano ang nag-viral na photo ng birthday celebration ng opisyal.

Ayon kay Ano, kawalan ng delicadeza ang ginawa ni Sinas at mga tauhan nito.

“Sa panahon ngayon, it’s uncalled for, sabi ko nga may tinatawag tayong delicadeza, so sa mga ganyan, stop muna ang ganyang activities. Now, I leave it to the PNP to conduct an investigation kung meron talagang naganap na violation ng mga quarantine guidelines,” pahayag ni Ano sa press briefing Miyerkules ng tanghali.

Read more...