INIHAYAG ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bawal pa rin sa modified enhanced community quarantine (ECQ) at maging sa general community quarantine (GCQ) ang sine, karaoke bars, gyms, massage parlor, sauna, barbershop, salon at facial care.
Sa isang briefing, idinagdag ni Roque na bawal pa rin ang mga sumusunod na aktibidad sa modified ECQ at GCQ:
- Kid amusement industries kagaya ng playrooms at rides
- Libraries, museum at cultural centers.
- Tourist destinations kagaya water parks, beaches, resorts
- Travel agencies, tour operators, reservation service at iba pang kahalintulad na aktibidad
- Personal care services kagaya ng massage parlor, salon at waxing
Kasabay nito, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang mga lugar na naunang inilagay sa low-risk areas ay magiging sakop na ng modified GCQ matapos naman ang apela ng mga lokal na pamahalaan.
Epektibo sa Mayo 16 ang modified ECQ sa National Capital Region (NCR), Laguna at Cebu City.
MOST READ
LATEST STORIES