OFWs na nahawa ng COVID-19 nadagdagan ng 38

OFWs

UMAKYAT na sa 2,233 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.

Ayon sa Department of Foreign Affairs nadagdagan ng 38 ang bilang ng mga OFW na nagpositibo sa COVID-19 kahapon.

Nadagdagan naman ng 25 ang bilang ng mga gumaling o kabuuang 669.

Isa naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na nasa 261 na ang kabuuang numero.

Ang mga nahawang OFW ay nakakalat sa 46 bansa.

“Based on the latest figures, the total number of Filipinos who recovered from COVID-19 at 669 remains more than twice than the total fatalities and is now almost 30% of the total confirmed cases,” saad ng DFA.

Read more...