NIYANIG ng magnitude 4.2 lindol ang Zambales kaninang hapon at naramdaman ito hanggang sa Metro Manila.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-3:46 ng hapon.
Ang epicenter ng lindol ay 10 kilometro sa kanluran ng Palauig. May lalim itong 42 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity III sa Mayantoc, Tarlac.
Intensity II sa Masinloc, Zambales; Mandaluyong City at Marikina City
Intensity I naman sa Botolan, Zambales at Manila City.
MOST READ
LATEST STORIES