P1.5T infrastructure fund inihain sa Kamara

Kamara

NAGHAIN ng panukala si House Speaker Alan Peter Cayetano at walong iba pang mambabatas para maglaan ng P1.5 trilyon sa loob ng tatlong taon para sa mga infrastructure projects na kailangan upang pagulungin ang ekonomiya na naapektuhan ng coronavirus disease 2019.

Sa ilalim ng COVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus (CURES) Act” (House Bill 6709) layunin ng panukala na gastusan ng gobyerno ang mga proyekto sa health, education, agriculture, local roads infrastructure and livelihood (HEAL) para lumakas ang ekonomiya.

“In the face of a global recession and unemployment among the workforce, it is incumbent upon the government to establish both palliative and curative interventions that would simultaneously support the Filipino worker in the immediate term while laying out the foundations for a more resilient and sustainable future,” saad ng panukala.

Tig-P500 bilyon ang ilalaan ng Kongreso sa mga imprasktraktura na itatayo sa loob ng tatlong taon.

Ang mga popondohan sa ilalim ng CURES ay ang mga proyekto na maaaring masimulan kaagad sa loob ng 90 araw mula sa pagpapalabas ng Special Allotment Release Order ng Department of Budget and Management.

Isang Joint Congressional Oversight Committee ang lilikhain upang bantayan ang pagpapatupad ng panukala.

“Although palliative measures such as cash transfers, unemployment dole-outs, relief and other forms of immediate support are undoubtedly necessary at the moment, it is in the interest of both the government, the private sector, and the Filipino people at large that a lasting cure for economic resilience be established.”

Read more...