Benipisyaryo ng SAP kinikilan, 2 tanod tiklo

ARESTADO ang dalawang opisyal ng Brgy. New Cabalan sa Olongapo City na nangikil umano sa kasagsagan ng pamimigay ng ayuda sa mga residente kahapon.

Nasakote si barangay tanod team leader, Marcialo Mendoza, 41, sa inilatag na entrapment ng mga pulis sa loob mismo ng barangay hall.

Isinagawa ang operasyon makaraang magreklamo ang isang residente na hiningan umano siya ng P3,000 ni Mendoza upang maisama sa listahan ng mga makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Idinawit naman ni Mendoza si New Cabalan chairman Delbert Muega sa nasabing raket.

Kakasuhan sina Muega at Mendoza ng graft habang ang una ay nahaharap din sa kasong robbery extortion. –Inquirer

Read more...