Nanay na walang pamilya niregaluhan ng bahay ni Marcelito Pomoy  | Bandera

Nanay na walang pamilya niregaluhan ng bahay ni Marcelito Pomoy 

Ervin Santiago - May 12, 2020 - 03:59 PM

NIREGALUHAN ni Marcelito Pomoy ng bagong bahay ang isang matandang babae na namumuhay mag-isa sa gitna ng nagaganap na health crisis sa bansa.

Ayon sa America’s Got Talent 3rd-runner up, alam niya ang pakiramdam ng mabuhay malayo sa pamilya dahil produkto rin siya ng broken family.

Ikinuwento ni Marcelito sa kanyang bagong vlog sa YouTube kung paano niya nakilala ang matanda na nagngangalang Nanay Aurora at kung bakit bahay ang napili niyang ibigay dito.

Ayon sa singer, na-meet niya nang personal si Nanay Aurora matapos mabasa ang post ng netizen na si Aiza Hernandez kung saan makikita ang kaawa-awang lagay nito. Lalo pang naantig ang damdamin ni Marcelito nang makita ang tinutuluyan ni Nanay Aurora.

“Last time, we saw a Facebook post asking help for an old lady. She got no family with her and all she has is a small house. I can’t even call it a house. So what we did will surely melt her heart,” pahayag ni Marcelito.

Sa kanyang YouTube vlog, ipinakita ng singer kung paano sinimulan ang pagtatayo ng bahay para kay Nanay Auroran

“Hi, guys! We’re here demolishing Nanay Aurora’s old house. Look how ruined her house is. And now we’re starting to rebuild it,” mensahe ng Pilipinas Got Talent grand winner.

Abot-langit naman ang pasasalamat ni Nanay Aurora sa regalong bahay sa kanya ni Marcelito at habang buhay daw niya itong tatanawin sa Kapamilya singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending